Add parallel Print Page Options

Malapit sa lugar na iyon ang mga lupaing pag-aari ni Publio, ang pinuno ng pulong iyon. Malugod niya kaming tinanggap at pinatuloy sa kanyang tahanan sa loob ng tatlong araw. Nagkataong nakaratay ang ama ni Publio, nilalagnat at may disenteriya, kaya't pinuntahan siya ni Pablo. Pagkatapos manalangin, ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa maysakit at ito'y gumaling. Dahil sa pangyayaring ito, nagdatingan ang mga may karamdamang tagaroon, at pati sila'y gumaling.

Read full chapter